Hindi Na Muli
Isinulat ni: Nadine D. Lasap
Sa bawat sulok ng aking silid
Ika'y akin pa ring nadarama sa aking paligid
Hindi tulad ng dating kasing tingkad
Ang ating mga ala-ala, ngayo'y poot na ang hatid
Ako'y iyong pinaibig
Ngunit sa bandang huli sa iba kana pala umibig
Akala ko'y mundo mo'y kunpleto nang ako iyong makilala
Ngunit ito'y isang maling akala lang pala
Sa mga unan kong puno na ng paghihinagpis
Mga ala-ala mong pilit ko nang kinakalimutan
Mga yakap mong mahigpit, na nais ko nang burahin sa aking puso't isipan
Sa patibong mong tiyak di ko pa maipapanalo
Ngunit hayaan mo't aking makakalimutan rin ang mga ala-alang
sa paningin ko ngayon ay isa nang bangungot
Na kung saan sa sakit na iyong pinaramdam tiyak na kasiyahan nito ang kapalit
Hindi ko namalayan na ang pagmamahal ko sa aking sarili ay akin nang nakalimutan
Sarili na hindi ako sinukuan
Sarili na lagi kong makakapitan
Andito ako ngayon upang ibalik ang aking nasayang na pagmamahal na hindi dapat pala karapat-dapat para sa'yo
Kundi para sa aking naubos, at natutong ulit tanggapin at magsimula nang mamuhay ng may panibagong yugto.
Palaging Tandaan:














No comments:
Post a Comment